News blackout

TOTOONG iba ang tinitingnan sa tinititigan. Dito makikita kapag tiningnan natin na talagang may nagaganap na anomalya sa nais na “tuwid na daan” ni Pangulong Noynoy Aquino at kapag tinitigan natin ay mababatid na alam niya ang nangyayari pero nagbubulag-bulagan siya.

Maraming beses na ring naisiwalat ang anomalyang nagaganap sa Bureau of Corrections (BuCor) sa pamumuno ng director nito na si retired Gen. Gaudencio Pangilinan pero dahil bahagi siya ng apat na K ni PNoy ay balewala sa Malakanyang ang lahat ng isyu laban sa nasabing opisyal. Ang apat na K na tinutukoy ay kaibigan, kaklase, kabarilan at Koreana. Siyempre, di naman papasok si Pangilinan sa huling K dahil batid naman nating nag-iisa ito.

Malaki ang pagkakaiba ng paborito ng Pangulo sa kakilala ng kaibigan ng Presidente. Dahil ang kaibigan ni PNoy kapag may isyu bagaman nakasisira sa kanyang anti-corruption program ay ipinagwawalang bahala lang niya, tama ba ako Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman  Crispino “Bong” Naguiat?

Hindi ba’t nang may lumabas na isyu kay dating National Bureau of Investigation (NBI) director Atty. Magtanggol Gatdula ay kaagad niya itong inakusahan at pinaimbestigahan? Pinayuhan si Gatdula na mag-leave muna ng isang buwan. Pero nang matapos ang leave ni Gatdula ay kaagad niya itong ipinasibak sa posisyon at pinasampahan ng kaso.

Ngayong may nag-aakusa kay Pangilinan ng mga anomalyang hindi lang naman ngayon narinig ng Palasyo, pero di pa man naiimbestigahan ay kaagad na ipinagwalang–bahala ng Pangulo. Hindi man lang nag-utos ng imbestigasyon kaugnay sa anomalyang ibinulgar ng isang tauhan ng BuCor.

Noong Miyerkules, nagkaroon ang NBI ng spot inspection at raid sa mga kulungan sa BuCor. Iniutos ito ni Department of Justice Secretary Leila de Lima. Dahil nabigla ang mga tauhan ni Pangi-linan, hindi na naitago ng mga ito ang mga epektos.

Napatunayan sa raid na maraming preso ang binibigyan ng VIP treatment, may mga selda na ang mga nakakulong ay nag-iingat ng shabu, paraphernalia at mga patalim.

Hindi ito inilabas sa media pero dahil may mga cellphone ang ilang preso, nagawang itawag at ipaalam nila ito sa kanilang mga kakilala sa media at mga kamag-anak.

Nasaan ang transparency sa pamunuan ni De Lima kung siya mismo ay may itinatago?

Nagkaroon ng news black-out. Ito ay dahil ayaw nilang manganib ang puwesto ni Pangilinan dahil batid ni De Lima na bagaman ayaw niya sa una ay bata ito ni Noynoy.

Natural, ayaw niyang pag-initan siya ng Pangulo at baka siya ang masibak kapag lalo pang naligalig ang pamunuan ng pambansang kulungan na ang nagpapatakbo ay malapit sa Pangulo.

* * *

Salamat sa pamunuan ng Barangay 167 Llano Caloocan City sa pagpapahiram ng ambulansiya. Pagpalain po kayo.

Noong Miyerkules, nagkaroon ang NBI ng spot inspection at raid sa mga kulungan sa BuCor. Iniutos ito ni Department of Justice Secretary Leila de Lima. Dahil nabigla ang mga tauhan ni Pangilinan, hindi na naitago ng mga ito ang mga epektos.

Napatunayan sa raid na maraming preso ang binibigyan ng VIP treatment, may mga selda na ang mga nakakulong ay nag-iingat ng shabu, paraphernalia at mga patalim.

Hindi ito inilabas sa media pero dahil may mga cellphone ang ilang preso, nagawang itawag at ipaalam nila ito sa ka-nilang mga kakilala sa media at mga kamag-anak.

Nasaan ang transparency sa pamunuan ni De Lima kung siya mismo ay may itinatago?
Nagkaroon ng news black-out. Ito ay dahil ayaw nilang manganib ang puwesto ni Pangilinan dahil batid ni De Lima na bagaman ayaw niya sa una ay bata ito ni Noynoy.

Natural, ayaw niyang pag-initan siya ng Pangulo at baka siya ang masibak kapag lalo pang naligalig ang pamunuan ng pambansang kulungan na ang nag-papatakbo ay malapit sa Pangulo.

* * *

Salamat sa pamunuan ng Barangay 167 Llano Caloocan City sa pagpapahiram ng ambulansiya. Pagpalain po kayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply