No bail sa misis na kumatay ng mister

HINDI pinayagang makapagpiyansa ang misis na tumigpas sa leeg ng kanyang asawa, ayon sa Davao City Police Office makaraang pormal na ipagharap ng kasong parricide.

Ayon sa report, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na si Marilyn Bustamante matapos mapatay ang mister na si Noel.

Depensa naman ng ginang, self defense ang nangyari kaya napatay ni Marilyn ang asawa noong nakaraang lingo sa labas ng kanilang tirahan sa Brgy. Saloy, Calinan District, Davao City noong Pebrero 4, 2012.

Lumabas sa rekomendasyon ng Davao Prosecution Office na “no bail recommended” sa  kasong parricide na isinampa ni Prosecutor Jay Karel Sanchez sa suspek  sa Regional Trial Court (RTC).

Matatandaan na nangyari ang krimen matapos mag-away ang mag-asawa sa hindi malamang kadahilanan.

Sinabunutan ni Noel ang asawang si Marilyn kaya nang masaktan ang babae ay nagawa nitong tagain ang asawa ng hawak niya itak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply