No Smoking campaign ng MMDA tuloy

TULOY pa rin ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng 17 lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila sa kabila ng inilabas ng pagbabawal ng Mandaluyong Regional Trial Court.

Ipinagyabang ng MMDA na nakahuli sila ng kabuuang 20,525 smokers noong Pebrero 15, 19,349 ang lalaki at 11,76 naman ang babae.

Sinimulan ang kampanya noong Hulyo 1, 2011 matapos ang isang buwang pagpaparating ng impormasyon sa publiko.

Nitong Oktubre 2011, naglabas ng kautusan si Mandaluyong RTC Judge Carlos Valenzuela na itigil ang kampanya sa anti-smoking sa mga lugar na hindi nito nasasakop at kamakailan ay kanyang ibinasura ang mosyon ng ahensiya.

“The court order is clear.  It says that the MMDA could not enforce the No Smoking campaign in areas that are not covered by the law,” said Tolentino.  “All our actions – including the ones complained of in the anti-smoking case – are within the metes and bounds of the law.”

Ipinaiiral lamang sa Paranaque City ang pagbabawal sa paninigarilyo sa simbahan, loob ng museum, library, sinehan, auditorium, coliseum, groceries, supermarket convenience store, pampublikong palikuran at outpost.

Tutol naman ang lungsod ng Marikina sa malayang paninigarilyo sa mga pampulikong lugar upang hindi mahikayat ang mga kabataan sa masama.

Sa ilalim ng R.A. No. 9211, tinukoy na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga center, elevators, stairwells, mga lokasyong tulad ng fire hazard, klinika, gusali, nursing home at dispersal.

Nagtalaga si Tolentino ng smoking at no smoking area sa mga loading at unloading bay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply