Non-showbiz BF ang like ni Mommy Divine para kay Sarah

SINABI ni Mommy Divine ng nag-iisang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo na kung magkakaroon ng boyfriend o partner sa hinaharap ang kanyang anak ay may gusto niyang non-showbiz ito.

Ito ang inamin ni Mommy Divine sa Showbiz Inside Report (SIR) ng ABS-CBN noong Sabado, Pebrero 18.

Si Janice de Belen ang nakipagtsikahan kay Mommy Divine sa naturang programa.

Medyo nagkwento rin ang ina ni Sarah ukol sa kanyang buhay at kung paano ang pagpapalaki ang naranasan niya sa kanyang mga magulang.

Ani Mommy Divine, ito rin ang ginawa niya sa kanyang mga anak, kabilang na ang Pop Star Princess.

Ibinahagi rin ni Mommy Divine ang uri ng pagpapalaki ng magulang niya sa kanilang 12 magkakapatid. Aniya, konserbatibo ang pagpapalaki sa kanya at mga kapatid na siyang kanyang ini-apply sa pamilya, lalo na kay Sarah.

Ito umano ang nagsilbing gabay niya sa pagpapalaki sa kanyag mga anak lalo na kay Sarah na mula pa pagkabata ay nakitaan na niya ng pagkahilig sa musika, pag-awit at pag-aartista.

Nang ilarawan naman ni Mommy Divine si Sarah noon ay sinabi nito na: “Bubbly, masayahin, mabait na bata.

Nabatid din mula kay Mommy Divine kung gaano ka-masuring anak si Sarah at kung ano ang mga sakripisyo nito para sa kanyang pangarap.

***

SA The Buzz noong Sunday, guest din si Sarah upang i-promote ang kanyang bagong palabas na Sarah G Live!

Dito naungkat ang ilang intriga na iniuugnay sa Pop Star Princess.

Isa na dito ay ang isyu na mayroon siyang ayaw na makatrabaho sa ASAP 2012.

Pinabulaanan naman ito ni Sarah at snabi na isang pamilya silang lahat sa ASAP.

Itinanggi rin ng singer-actress na inaagaw niya ang oras ng programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (na hindi pa magpapaalam kundi magkakaroon ng season 2 na sa Sunday na rin ang palabas).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply