Nora Aunor kailangang bumalik sa Boston after a few months para sa operasyon sa lalamunan

WALANG naganap na operasyon sa unang pagpapagamot ni Nora Aunor sa Boston hospital para sa kanyang lalamunan. Kailangan pa niyang bumalik after a few months para ipaopera ang lalamunan na nagkaroon ng diperensiya nang nagpa-enhance siya ng mukha sa Japan. Iyan ang pahayag ni Albert Sunga, ang confident ng aktres para ituwid ang bali-balitang di na kailangan nang operation ng Supertar.

Itinuwid ng source naming si Albert, na walang operation na naganap sa unang pagpapagamot ni Guy sa Boston. Dumaan sa examination ang aktres, binigyan ng medication at pinayuhan ng voice therapy. Sa pagbabalik niyang muli sa Boston magaganap ang operasyon sa susunod pang buwan.

Dumating si Nora last Friday morning (Feb.24), 6:55 a.m. mula Los Angeles na sakay ng Philippine Airlines. Kailangan niyang makabalik agad ng bansa dahil may trabaho siyang gagawin dito na natanguan niya bago pa siya umalis ng bansa.

Ngayon Monday, Feb. 27, lang makikipag-seat down si Ate Guy sa mga big boss ng TV5 kung ano ang uunahin niyang projects sa network. Very warm ang pagtanggap ng TV5 executives nang dumating si Ate Guy sa NAIA terminal 2. Full coverage pa ng network ang paglapag niya sa airport at may konting interview sa TV. (Dapat lang! Phenomenal actress naman siya, ano? – Ed)

For sure, sabi sa amin ni Albert, na  hindi na gaanong paos ang boses ni Ate Guy. Epekto ito ng pagpapagamot niya sa Boston at pagkakaroon ng regular therapy sa boses niya nang nag-stay sa LA. Definitely, wala raw maintenance medicine ang aktres. Okay pa rin ang kanyang vocal cords. Sabi ng mga doctor na tumingin sa kanya sa Boston, sure silang pagkatapos ng operation ay puede na namang umawit ang tinagurian noong may Golden Voice na aktres.

o0o

MARKADO ang role ni Orlando Sol sa “Biritera” bilang band members ng The Bridge na guitarista. Kasa-kasama siya nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro sa banda. Bukod pa rito, may lihim na love affair sina Orlando at ang manager ng banda na si Ryan Eigenmman na lumalabas bilang closet queen.

Panay suggestive lang ang ipinakikita sa screen ng Biritera sa relasyon nina Ryan at Orlando. Nakikita ang alaga ni Maryo J. na naka-half nude sa istorya habang kasama sa kuwarto si Ryan.

Bago nakilala sa telebisyon si Orlando, lumabas muna siya sa mga sexy indie films tulad nina Cesar Montano at Coco Martin. Nakilala noon si Coco sa sexy indie film na Masahista at Serbis, at si Cesar Montano naman ay nagkapangalan nang magpaseksi sa unang Machete ng Seiko Films ng produced ni Robbie Tan.

Si Orlando naman, nakilala siya ni Direk Maryo J. sa isang school program na kumakanta sa isang musical stage play. Inalok niya itong maging members ng M-Gage kaya naging member ito ng nasabing all male singing group. Nang nawala sa M-Gage si Orlando, nakuhang member naman siya ng Masculados 2. Mature na si Orlando at may sexy body na tulad ng ibang members ng Masculados.

Dahil sa pagti-train ni Direk Maryo kay Orlando, nakasama rin siya sa ilang stage plays ng Dulaang UP. Kahit mag-sexy at daring si Orlando, okay lang sa actor. Part ng job niya bilang artista.

Sa Biritera, makikilala nang husto ang character ni Orlando bilang member ng The Bridge Band. Tampok sa Biritera ang batang si Roseanne Magan. Kasama rin ang mga child star na sina Sweet Ramos at Barbara Miguel. Ang Biritera ay idinidirek siyempre ni Maryo J. delos Reyes.

o0o

OKAY lang kay Mikael Daez ang mga markadong roles na ibinibigay sa kanya ng GMA7 tulad ngayon sa My Beloved kung saan siya ang unang boyfriend ni Marian Rivera. Tapos, happy rin siya sa paminsan-minsang hosting job sa Party Pilipinas. Bukod kasi sa acting ay gusto niyang maging TV host. Sayang naman ang pagiging writer niya at pagiging Atenista kung saan graduate siya ng economics management course sa Ateneo de Manila University.

Unang na-introduce si Mikael sa Amaya bilang tagapagtanggol ni Marian na may lihim na pagtingin sa dalaga. Pero di naman sila naging mag-on sa istorya.

At least dito sa My Beloved ay naging sila ni Marian sa istorya. Sobra-sobrang paggalang niya sa aktres dahil napaka-professional daw nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply