Noynoy magpapatupad ng price control

MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng price control si Pangulong Benigno Aquino III kapag lumala ang problema sa Iran at patuloy ang tunggalian ng Amerika at European Union.

Sinabi ni Pangulong Aquino III sa idinaos na 25th Anniversary Celebration ng Philippine Information Agency na sa ngayon ay walang dahilan para magpatupad ng price control dahil substantial ang presyo ng ilang pangunahing bilihin gaya ng sardinas dahil sa suplay ng isda na dine-delata sa bansa.

Sinabi naman nito na hindi ganoon kalala ang galaw ng krudo ngayong taon kumpara ng nagdaang taon.

Sinabi nito na ang unang ina-update sa kanya ng DoE ang suplay ng langis, krudo at finished products.

Pangalawa aniya ang Pantawid Pasada program kung saan nananatiling may relokasyon ang pamahalaan para rito kung saan ay may 200-plus million pa ang natitirang balanse.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply