NPA dismayado sa pagdami ng sundalong Kano sa bansa

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang rebeldeng grupong NPA sa pagpayag ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa umano’y paghahari ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas para takutin ang mga Tsino sa West Philippine Sea.

Sa opisyal na pahayag ng NPA, binansagan nilang “economic” at “political pressure” sa Tsina ang pagdagdag ng sundalong Amerikano na nasa 600 ang bilang.

Anila, tinupad ng Pangulo ng Amerika ang pagtitipid sa gastos ng kanilang kasundaluhan sa paggamit sa Pilipinas bilang refuelling station ng kanilang mga sasakyang pandigma, bilang pahingahan ng mga sundalo at bilang lugar para magsanay ang kanilang sundalo.

May eksklusibo raw na puwesto sa Camp Navarro sa Zamboanga City ang mga sundalong Amerikano.

Nananatili pa rin namang numero uno ang Zamboanga City sa mataas ang krimen sa Zamboanga Peninsula.

Bunsod nito, naniniwala ang NPA na naggagamitan lamang ang Amerika at Pilipinas para sa kanya-kanyang interes.

Nanawagan pa ang NPA sa kanilang mga kasamahan na maglungsad ng malawakang opensiba para parusahan daw ang pamahalaang Aquino sa pagpapahintulot na dumami ang sundalong Amerikano sa Pilipinas. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply