NPA sa pamahalaan pinatutukoy ng Kamara

PANAHON na ayon kina House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na tukuyin ang Non-Performing Agency (NPA) sa gobyerno ni Pangulong Aquino upang makita kung saan ginagastos at napupunta ang pondo ng bayan na inilalaan sa mga ahensiya.

“Its accounting time to come up how they spend for almost 1 1/2 year,” ani Suarez.

Ayon kay Suarez, marapat lamang na makita kung anu-anong mga ahensya ng gobyerno ang hindi gumagawa ng kanilang tungkulin at kinakailangang makita kung tama rin ang kanilang paggastos ng mga pondong inilaan sa mga proyekto.

Sinabi ni Suarez na mas malala pa sa graft and corruption ang hindi pagbibigay ng tamang serbisyo sa bayan dahil sa dulot nitong kagutuman ng mamamayan dala ng kawalan ng hanapbuhay at pagiging gipit sa pang araw-araw na ikabubuhay sa patuloy na pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Tinukoy nito mga ahensiya sa enerhiya, agrikultura, social services, NEDA Department of Finance at iba pang sangay ng gobyerno sa kanilang gagawing pagsasaliksik sa naging mga nagawa ng mga ito sa loob ng isang buwan.

Ang nasabing pananaliksik at pagsusuri sa mga NPA ay gagawin ng mga nasa minorya sa loob ng buwan ng Marso at Abril habang nakabakasyon ang mga sesyon sa Kongreso.

Nais ng oposisyon na bago mailatag ang panukalang budget para sa susunod na taon sa Agosto at Setyembre ay mailatag na rin ang kanilang pagsusuri sa mga NPA

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply