Obispo hanga sa pagbabati nina Lacson, Erap

HUMANGA ang isang Catholic bishop sa pahayag nina Senador Panfilo Lacson at dating pangulong Joseph Estrada na handa na silang magbati at magkapatawaran sa isa’t isa.

Ayon kay Batanes Bishop Camilo Gregorio, magandang hakbang ito ng magkabilang panig lalo pa at panahon na ngayon ng Kuwaresma, na aniya’y magandang pagkakataon upang magnilay sa mga nagawang kasalanan sa kapwa.

Sa kabila naman nito, umaasa si Gregorio na sinsero sa pagpapatawad sa isa’t isa ang dalawang lider at hindi for political convenience o political motive lamang.

“First of all that is a very impressive thing! Pero ang importante diyan ay ang motibo. I appreciate yung openness nila sa isa’t isa nila ngayon at magandang halimbawa ito sa lahat nang mga may alitan. Sana i-purify pa ito nina senador Lacson at mahal na pangulong Erap. Sabi nga sa spiritual life ay malalim pa nila ang kanilang motive! Sana ang pagkakasundo nila ay hindi for political convenience lamang! Sana ma-avoid nila ang benefits of a reconciliation politically!” ayon kay Gregorio.

Umaasa rin naman ang Obispo na ang naturang hakbang nina Erap at Lacson ay gayahin din ng iba pang lider na hindi nagkakasundo sa prinsipyo at paninindigan na nagiging dahilan ng pagkawatak-watak ng mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply