Obispo sa mga solon: Magtrabaho kayo

BINATIKOS ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang mga kongresista sa pagiging abala nila sa panunuod ng impeachment trial sa Senado kaya hindi nakadadalo sa sensyon sa Kamara.

Ayon sa obispo, imbes na magtrabaho ay nakabantay sila sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi pa ni Bastes na marami nang kinakaharap na problema ang bansa kaya dapat itong pag-aksayahan ng panahon ng mga kongresista lalo na sa mga mambabatas na hindi naman kasama sa prosecution team.

Giit ng obispo, pagtuunan na lamang ng pansin ng mga kongresista ang paggawa ng mga batas na makatutulong sa buhay ng mga Filipino lalo na nang mga mahihirap.

Matatandaan na una nang nanawagan si House minority member at Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa mga kapwa mambabatas na dumalo sa sesyon ng Kamara at huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang impeachment trial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply