OFW binaunan ng bala sa ulo, dedo

MALAPITANG binaril sa ulo ang isang 30-anyos na overseas Filipino worker (OFW), habang bumibili ng ulam kasama ang misis nito sa Pandacan, Maynila kagabi (Pebrero 2).

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Orlando Jaleco, residente ng 19 Rosal Extn., IBP Road Barangay Payatas, Quezon City.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang hindi pa nakikilalang salarin na mabilis na tumakas bitbit ang ginamit na baril sa pamamaslang.

Batay sa ulat na ipinarating ni Det. Richie Caligagan kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harapan ng isang bahay sa 1149 Labores St. sa Pandacan.

Bago ang naturang krimen, patungo sana ang biktima at asawa nitong si Ivette sa magulang nito sa Labores St., ngunit nang bumili sila ng ulam sa isang tindahan ay nilapitan sila ng salarin at binaril sa ulo si Jaleco, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Humingi umano ng tulong ang misis nito para maisugod sa pagamutan, subalit pinagkaitan ito ng tadhana at wala ni isa man ang tumulong sa kanila.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang may pakana at kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply