OFW natagpuang patay sa CR sa Amerika

WALA nang buhay nang matagpuan sa loob ng comfort room ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang roomboy sa isang hotel sa Estados Unidos.

Sa report, nakilala ang biktima na si Florante Fontanos, tubong Bauang, La Union at residente ng Seattle, United State of America.

Ayon sa kapatid ni Fontanos na si Allan, naghahanda na ang biktima na pumasok sa kanyang trabaho nang atakehin sa puso at inabutan ito ng kamatayan sa kanilang comfort room sa tinutuluyang bahay sa Amerika.

Bago nagtungo ang Pinoy sa Amerika ay mayroon na itong sakit sa puso ayon sa kanyang mga kapatid.

Hinihintay naman ng iba pa nilang kaaanak sa Pilipinas ang labi ng biktima para sa pagsasaayos ng kanyang burol at libing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply