OFW todas sa abortion sa UAE

PATAY ang isang domestic helper sa United Arab Emirates (UAE) matapos na umano’y ipalaglag ang kanyang dinadalang sanggol.

Batay sa ulat ng Gulf News ngayong araw, hindi pa pinangalanan ang biktima na nasa edad na 20 na pinaniniwalaang nabuntis matapos magkaroon ng patagong relasyon.

Ayon sa report, kidney failure ang sanhi ng pagkamatay ng biktima nang uminom ng abortifacient drugs.

Nauna rito, nagpunta ang biktima sa Al Kwaiti Hospital at sinabing masama ang kanyang pakiramdam na agad namang inilipat sa Al Qasimi Hospital kung siya binawian ng buhay.

Ayon pa sa Gulf News, sinabi ng naturang ospital na hindi umano nagdala ng anumang identification card ang biktima kaya hindi pa batid ang kanyang pagkakilanlan.

Nasa malubhang kalagayan na umano nang dumating sa Al Qasimi Hospital kaya agad itong ipinasok sa intensive care unit upang gamutin ngunit hindi na rin ito nabuhay pa.

Batay pa sa nasabing news site, dinala ng biktima ang patay na fetus nang humingi ito ng saklolo sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply