OFWs mula sa Syria darating mamaya

NAKATAKDANG dumating mamaya ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria na tumugon sa repatration ng pamahalaan.

Ang pagbabalik ng Pinoy worker ay dahil na rin sa ipinatutupad na Alert Level 4 o Mandatory Evacuation sa naturang bansa.

Ayon kay Foreign  Affairs Spokesman Raul Hernandez, mula sa kabuuang bilang ng OFWs na uuwi, isa ang nagmula sa Tratous, isa sa Homs, dalawa sa Lata Kia at ang iba ay mula sa Damascus.

Nabatid na nasa 21 Pinoy ang umalis sa Damascus, Syria kahapon (Pebrero 19) at inaasahang darating ngayong araw sakay ng Emirates Airlines Flight Ek-332 sa Naia Terminal-1.

Nabatid na sa nasabing batch na uuwi ngayong araw, ay isa lang ang lalaki, na anak ng isang OFW na nagpasyang magpaiwan sa Syria para sa isang partime job.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply