OFWs pa mula Syria pabalik-Pinas na

PARATING na sa bansa ang panibagong grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria makaraang tumugon sa mandatory evacuation program ng pamahalaan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang 33 OFWs lulan ng Emirates Air flight 332 mamayang alas-4:20 ng hapon.

Mamayang gabi naman ay darating naman ang 16 na OFWs mula rin sa naturang bansa sakay ng Emirates Air flight 334.

Umabot na sa 1,009 OFWs, na mayorya nito ay kababaihan, ang nakauwi na mula sa nagkakagulong bansa.

Base sa OWWA, napilitan ang OFWs na magsilikas at mag-avail ng repatriation sanhi na rin sa mga lugar ng Homs, Hama at Idlib sa Syria na apektado ng karahasan.

Nabatid pa sa ahensya na siyam na overstaying OFWs na nakauwi na sa bansa ang inilikas mula sa Kaffarseuseh prison sa Damascus, habang ang ibang OFWs ay nanunuluyan sa halfway houswe ng Philippine embassy doon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply