Oil deregulation law bubusisiin din ng independent review committee

BUBUKSAN na ang libro ng mga kompanya ng langis matapos ilabas ng Department of Energy (DOE) ang mga pangalan na kasama sa binuong seven-man Independent Review Committee.

Bukod dito, inaasahang bubusisiin din ng komite ang umiiral na oil deregulation law. Magsasagawa sila ng assessment upang makabuo ng rekomendasyon kung dapat nang baguhin o panatilihin ang naturang batas.

Magsisilbing moderator si dating Budget Secretary Benjamin Diokno habang miyembro naman ng komite sina dating Finance Secretary Jesus Estanislao, Dr. Rene Azurin, Raul Concepcion, Dr. Victor Abola, Dexter Ortega at Congressman Vigor Mendoza ng 1-United Transport Koalisyon o 1-UTAK.

Pangunahing layunin ng komite na balangkasin ang mga libro ng mga oil company hinggil sa usapin ng transparency.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply