Ok ang motorcycle lane sa Edsa

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!

Sang-ayon ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa ipinatutupad na motorcycle lane ng Metro Manila Deve-lopment Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA.

Kahapon, sinimulan na ng MMDA ang panghuhuli sa mga riders na ‘di dumadaan sa motorcycle lane.

Mahigit sa 600 violators ang nahuli ng nasabing ahensya ng pamahalaan.

Umaasa ang PHLRC riders na mabawas-bawasan na ang mga aksidente sa nasabing kalsada na madalas na nagkakaroon ng aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Pero, ang hiling natin sa MMDA, nawa’y mabigyan nila kaagad ng solusyon ang mga dambuhalang sasakyan na dumadaan sa EDSA kung saan sumisingit din ang mga ito sa motorcycle lane.

Ito kasi ang dahilan kung bakit may naaaksidente pa rin sa kabila ng ipinatutupad na lane para sa mga nagmo-motor. Kapag nagawa ito ng MMDA, baka ilang porsiyento na lang ang maaksidente sa EDSA.

***

Samantala, sa darating na Linggo (Peb. 19) ay General Monthly Assembly Meeting ng PHLRC riders.

Ito ay gaganapin sa bagong tahanan ng PHLRC sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila sa oras na alas-9:00 ng umaga.

Napakaraming paksang pag-uusapan ang samahan.

God bless, PHLRC riders!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply