Operasyon ng Calabarzon transport peke– DOTC

NANANAWAGAN ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa mga taga-Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (Calabarzon) na huwag tangkilikin ang Calabarzon transport dahil peke umano ang operasyon nito.

Ayon kay Arnel Manresa ng DOTC, walang naibibigay na pahintulot ang ahensiya para mangalap ng mga miyembro ang Calabarzon transport group sa lalawigan ng Cavite na ngayon ay nagbebenta ng prangkisa na P110,000 bawat isa.

Sinasabing ipinagmamalaki ng naturang grupo na malakas umano sila kay Danny Lim na malakas din sa Malakanyang kaya’t nabigyan sila ng pahintulot na makapag-operate sa Cavite area.

“Huhulihin namin sila, handa na ang DOTC Action Center at LTO na hulihin sila dahil nanloloko sila ng mga tao, wala kaming binibigay na RMC sa kanila kayat walang dahilan na sila ay mangalap ng miyembro at maniningil sa mga tao ng pera, ‘di sila awtorisado na magpasada” pahayag ni Manresa.

Niliwanag ni Manresa na bago makakapangalap ng miyembro ang isang samahan kinakailangan muna itong aprubahan ng DOTC  bago sila mabibigyan ng franchise ng LTFRB.

Sa ngayon aniya, hinihintay nila na magka budget ang DOTC sa pag-survey ng rationalization ng mga sasakyan at pagkatapos nito ay saka pa lamang sila magbibigay ng permit to operate sa mga AUVs.

Niliwanag pa nito na kapag nasangkot sa aksidente ang sinumang pasahero na sakay sa mga sasakyan na iligal ang operasyon ay walang makukuhang insurance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply