Nangaliwang opisyal, sinuspinde ng 6 buwan

PINATAWAN ng anim na buwan suspensiyon ng Office of the Ombudsman ang assistant city legal officer sa Mandaue City makaraang mapatunayang ng anti-graft court sa pangangaliwa sa kanyang asawa.

Batay sa desisyon ng Ombudsman-Visayas, sinuspinde si Mandaue City Assistant Legal Officer Atty.Eliseo Ceniza matapos mapatunayang nagkasala sa kasong disgraceful at immoral conduct unbecoming of a government official.

Ayon kay Mandaue City Administrator James Abadi, ipinatupad na nila ang suspensyon laban kay  Ceniza makaraang matanggap ang resulta sa order ng Ombudsman.

Nabatid na ang suspensyon kay  Ceniza ay nag-ugat sa reklamong inihain ng kanyang asawa na si Amalia noong nakaraang Hulyo 2009.

Batay sa reklamo ni Amalia, natuklasan ang pangloloko sa kanya ni Ceniza nang ipagtapat ito sa kanyang ng isang staff member na nagsabing mayroon itong kinalolokohang ibang babae.

Natuklasan pa mula sa kamag-anak na ang kinalolokohang babae ay ibinabahay ni Cenizasa sa isang subdivision sa Lapu-Lapu City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply