Orate Sr. inilibing na, hustisya sigaw ng pamilya

INIHATID na sa huling hantungan ang labi ni Noel Orate Sr., ang dating nobyo ni QC Congresswoman Nanneth Castelo Daza sa Loyola Memorial park sa Marikina City kaninang umaga.

Kasabay ng pagpatak ng mga luha at pagtatangis ay ang paghingi pa rin ni Orate Jr., ng hustisya para sa kanyang napatay na 55-anyos na tatay.

“Hinding-hindi kami titigil hangga’t hindi namin nakukuha ang hustisya, Pinatay nila ang daddy ko kaya kailangang pagbayaran nila ito”, panaghaw ni Orate Jr bago tuluyang ibinaba sa ilalim ng lupa ang kabaong ng kanyang tatay.

Bago ito,  nagsagawa muna ng isang misa para kay Noel Orate Sr. sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue sa Quezon City at ang mga nakipaglibing na mga kamag-anak at kaibigan ay nakasuot ng puti at itim na t shirts na may nakalagay na “Justice for Noel Orate,”

Maalalang binaril at napatay si Orate Sr., sa loob mismo ng bahay ni  dating Rep. Nanneth Daza sa Quezon City noong nakaraang Pebrero na ayon sa mga kapitbahay ay dahil sa mainitan na pagtatalo.

Sangkot sa krimen ay si Bulacan province board member Allan Robes, ang mister ni QC councilor Jessica Daza, anak ng dating lady solon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply