Original copy ng bank documents ni Corona ipinasusumite

MAKARAANG kumpirmahin ng testigo ng prosekusyon na si PS Bank manager Annabelle Tiongson ng Katipunan branch, Quezon City na peke ang nauna nang mga nag-leak na dokumento ni CJ Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial ay inatasan naman ngayon si Tiongson na dalhin ang original copy ng mga bank accounts ng Punong Mahistrado.

Ito ay makaraang mag-init ang senator-judges sa pagkakatuklas na waring niloloko sila ng prosekusyon sa pagbibigay ng pekeng kopya sa kanila sa pagpapatuloy ng ika-16 araw na impeachment trial.

Unang napansin ni Senator-Judge Jinggoy Estrada ang pagkakaiba ng dalang bank documents ni Tiongson sa nauna nang iprinisinta ng prosekusyon na sinasabing nanggaling sa isang “small lady.”

Agad namang hiningan ng paliwanag ni Senate President Juan Ponce Enrile ang prosekusyon sa loob ng 24 oras hinggil sa nabunyag na pekeng mga dokumento.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply