Ospital sa Masbate niratrat ng mga rebelde

PAWANG mga takot na pasyente at staff ng Dr. De Castro Hospital Foundation sa Milagros, Masbate ang naabutan ng awtoridad matapos ratratin at hagisan ng pampasabog ng dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nabatid na 1:45 ng gabi kahapon nang harasin ng mga suspek ang nasabing pagamutan.

Hindi pa umano nasiyahan ang mga rebelde, dahil matapos ang walang habas na pamamaril ay hinagisan pa ng improvised explosive device ang gate ng ospital na maswerte namang hindi sumabog.

Nakuha sa lugar ng insidente ang apat na basyo ng kalibre .45 na baril, anim na IED at isang demand letter.

Nakalagay sa sulat ang paghingi ng mga rebelde ng P10,000 revolutionary tax.

Lumalabas na ang nasabing sulat ay nagmula sa Jose Rapsing Command ng NPA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply