P.5-M hot logs nakumpiska sa Palawan

NAKUMPISKA ng mga elemento ng Provincial Environment National Resources Office ng Department of Environment and National Resources ang mga iligal na troso na tinatayang aabot sa kalahating milyong piso sa Puerto Princesa, Palawan mula Enero 2012 hanggang buwan ngayong Pebrero.

Sa report ni Juan dela Cruz ng Palawan PENRO, na ang mga illegal logs ay umabot sa 13,000 board feet ng mga tinablang ipil, apitong at iba pa.

Aniya, lumakas ang demand ng mga construction materials sa Puerto Princesa dahil patuloy ang development sa lugar kaya lumalakas ang loob ng mga illegal loggers.

Karamihan umano sa mga nasabat na hot logs ay ay galing sa katimugang bahagi ng Palawan.

Ani Dela Cruz, ang mga kumpiskadong hot logs ay ibibigay nila sa Department of Education (DepEd) Palawan.

Gagawin umano itong mga upuan at mesa ng mga mag aaral sa darating na pasukan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply