P.5-M ‘hot logs’ nasabat sa Davao

NASABAT ngayon ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) Anti-Illegal Logging Task Force sa Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ang mga iligal na trosong nagkakahalaga ng kalahating milyong piso (P500,000) sa Davao City.

Ayon kay Lucio Ceniza ng DENR Anti-Illegal Logging Task Force, nakumpiska nila ang isang 40-foot container van na naglalaman ng 18,030 board feet lumber ng lawaan at yakal sa nasabing siyudad.

Ani Ceniza, nakatanggap sila ng impormasyon na magkakaroon ng shipment ng illegal logs kaya agad nila itong inaksyunan.

Gayunman, hindi pa umano nila malaman kung sino ang may-ari ng mga kahoy na planong sanang dalhin sa Metro Manila.

Hinihinala ng DENR na galing sa Bunawan, Agusan del Sur ang mga nakumpiskang troso.

Nangako naman si Environment Secretary Ramon Paje na pipilitin nilang mahuli at maparusahan ang sinumang may kaugnayan dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply