P1.18M inilaan sa mga naapektuhan ng lindol

INIULAT ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpalabas ng P1.181 milyong pondo ang gobyerno para sa mga naapektuhan o biktima ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Western Visayas kahapon (Pebrero 6).

Ayon kay Social Wlefare Secretary Dinky Soliman ang ipinalabas na pondo ng gobyerno ay gagamitin para sa food packs at iba pang kinakailangang tulong ng mga biktima at napinsala ng malakas na lindol.

Aniya bagamat nasira ng lindol ang kanilang relief center sa Ayungon Negros Oriental at nawalan ng power supply ay hindi naman aniya tumitigil ang ahensya sa pagbibigay ng tulong sa mga residente doon.

Magugunitang alas-11:49 bago magtanghali kahapon nang yanigin ng lindol ang mga lugar ng Dumnaguete City , Ayungon; Negros Oriental; La Carlota City; La Castellana; Negros Occidental; Roxas City; Dao; Ivisan; Capiz; Iloilo City; San Jose de Buenavista; Pandan, Antique; Kalibo, Aklan; Saggay; Dipolog City sa Zamboanga del Norte; Legaspi City, Albay; Carmen: Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental at Cabid-an, Sorsogon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply