P1.5-M ari-arian naabo sa sunog sa QC

TINATAYANG aabot sa P1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy sa sunog na naganap sa Project 8, Barangay Bahay Toro sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP) tinupok ng apoy ang dalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isang 25-anyos na si Lauro Marinas Yicsen.

Nabatid sa ulat ng BFP, na nagliyab ang isang kuwarto sa ikalawang palapag ng isang bahay sa naturang lugar dakong 10:20 ng umaga kanina.

Umabot sa ikatlong alarma ang naturang sunog at dakong 11:10 ng umaga nang ideklarang fire out, ayon kay Major Arnold Bulanday, fire officer ng BFP.

Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog na inaabot ng halos isang oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply