P100M na ang kinita ng ‘Unofficially Yours’!

KINUMPIRMA ng Star Cinema at napanood din ng madlang pipol na as of February 24 ay naka-P100-M plus na ang total gross ng Unoficially Yours, nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin directed by box-office director Cathy Garcia-Molina.

Sa totoo lang, naging usap-usapan ang movie kahit pa ang tema’y not-suited for young ages, about casual sex, but Direk Cathy made it appear (mga tittilating eksena nina Lloydie at Angel) na pasable ito sa lasa ng mga manonood.

Komento nga ng mga beteranong writers, “Hindi malaswa kahit pa hubo’t hubad sina John Lloyd at Angel, halos walang malisya ang pagkakagawa,” sey ng mga nakapanood na ng pelikula.

Mukhang pinatunayan muli ni Lloydie ang pagiging consistent box-office actor despite negative is- sues na ibinabato sa kaniyang magandang image.

Naroon na tayo, naging laman ng showbiz hot chikas itong si Lloydie noong maugnay ang pangalan nito sa dalawang nag-aagawang dilag sa puso niya, walang iba kundi sina Shaina Magdayao at Ruffa G.

Binuhay muli ni Lloydie ang tiwala ng mga manonood, after sumemplang ang January offering nilang “My Cactus Heart” sa mga sinehan.

—@@@—

ANG mga kababayan nating nasa USA, sa may Bay Area, ay mayroon nang pagkakataong mapanood ang pelikulang “Thelma” nina Maja Salvador at idinirehe ni Paul Soriano. Masaya ring ibinalita ng papa ni Toni Gonzaga na ang nasabing movie as inspired by the life story of Philippines athlete, Elma Muros ay napasama sa taunang 22nd Cinequest Film Festival na mag-uumpisa ang screening ngayong Pebrero 29 hanggang March 10,2012.

Pagkatapos ng 22nd Cinequest awards night, aasikasuhin din ng tropa ang posibleng biyahe sa Cleveland (USA) International Film Festival sa susunod na buwan dahil pasok din sa nasabing filmfest ang Thelma. Sa March 22 hanggang April 1, 2012 naman ang screening ng mga kalahok dito.

Last year, ang nasabi ring movie na critically acclaimed noong ipalabas rito sa bansa ay naging nominado rin sa Hawaii Film Festival kung saa’y dinaluhan ito ng direktor nitong si Direk Paul kasama ang kanilang prodyuser na si Rino Que.

Umaasa ang lahat ng delegado na pupunta sa Cinequest filmfest at maging sa Cleveland filmfest na kahit papaano’y mapapansin ang ating pelikula higit pa sa ating kultura.

—@@@—

ANG anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde ay umaani nang papuri from different sectors dahil sa husay nitong pagganap bilang Jeboy sa teleseryeng E-Boy. Kabago-bago pa lamang ni Arjo pero kung magbato ng linya, mukhang pakakainin nito ng alabok ang nanay na si Sylvia pag nagtagal-tagal pa ang 21 year old na bagets aktor sa industriya.

Napag-alaman naming 2nd year college pa lamang si Arjo sa Dela Salle taking up Enterpreneurship at nagpatuloy ito ng aralin sa The One College sa Makati, no’ng imbitahan siyang mag-audition for Jeboy role sa nasabing soap.

Luckily, dahil meron namang pinagmanahan, unanimous ang pagkakapili sa binata.

Nong makausap namin si Jeboy, passion daw nito talaga ang acting simula noong 7 years old pa siya,” Kasi nga bukod sa kinamulatan na namin ang pag-aartista ni mommy (Sylvia), minsan dinadala niya ako sa teyping.”

Handang-handa na raw si Arjo sa intriga. Kahit pa tawagin siyang gay na siyang laging baptism of fire sa mga baguhang aktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply