P100M sa bawat senador, kwento ni ‘Lola Basyang’

KWENTO ni Lola Basyang.

Ito ang natatawang reaksyon ni House Majority Leader Neptali Gonzales Jr. sa isiniwalat ng depensa na pamumudmod diumano ng P100 milyon sa mga senador kapalit ng paglaglag kay Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Gonzales na walang basehan ang pahayag ng depensa.

Aniya, “nagbalik pala Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang.”

“Like the most often used objection of former Justice (Serafin) Cuevas, it is hearsay. I think it was meant to pressure the senators. This is designed to influence the senators in deciding the issue in the defense favor. This is contemptuous at the very least,” giit ni Gonzales.

Batay sa pagbubunyag ng depensa, si Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa diumano ang tumatawag sa mga senador samantalang si Atty. Jose Roy III ay nagsabing namumudmod umano ang Malakanyang ng P100 milyon kada senador na ilalabas diumano ngayong linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply