P100M suhol: Usok na walang apoy?

ANO raw, may suhol sa mga senador-judge para dedmahin ang temporary restraining order ng Korte Suprema na nagsasabing hindi muna nila dapat buksan ang nakabangkong dolyar ni Chief Justice Renato Corona?

P100 milyon ang nakalaang pabuya umano sa bawat senador na pumayag na buksan ang dollar account ni Mang Atong.

Yang P100M umano ay sa anyo ng mga soft project ng bawat senador.

Kinabibilangan ng soft project ang pamimigay ng iskolarsip, gamot, bigas at sardinas sa mga sinasalanta ng mga baha at lindol at kung ano-ano pang kaiba sa paggawa ng mga kalsada, tulay, bodega ng palay, gymnasyum, irigasyon, paliparan, pier, iskul bilding at kung ano-ano pa.

oOo

Nang marinig natin ito, apat na bagay lang ang naisip nating patutunguhan ng panunuhol na ito.

Una, pupuwedeng dedmahin lang ng mga senador-judge ang balita at ituring lang na tsismis.

Ikalawa, pupuwedeng makulong yung mga abogado ng depensa na nagsiwalat nito kung hindi nila mapatutunayan ang bintang at maaaring madiskaril ang paglilitis Ikatlo, pupuwedeng tuluyang ibasura ng mga senador-judge ang TRO at ituloy ang pagkalkal sa kuwestiyonableng laman ng bangko ni Mang Atong sa rason na hindi pupuwedeng pakialaman ng Korte Suprema ang impitsmen kort.

Ikaapat, pupuwedeng respetuhin ng mga senador-judge ang TRO ng korte at sumunod sa kautusan ng Korte Suprema na sumagot ang mga senador-judge sa loob ng 10 araw bago magpasya ito nang pinal.

At nangyari nga ang isa sa mga naisip natin. Nirespeto ng impitsmen kort ang TRO.

Ano na ngayon ang mangyayari bukas? Sana lalabas din ang katotonanan, may suhol man o wala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply