P1,200 reload para sa 100k PPP beneficiaries

INATASAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Energy (DoE) na ipamahagi na ang P1,200 reload para sa 100,000 benepisyaryo ng Pantawid Pasada Program.

Layunin nito na mabawasan ang epekto ng napipintong pagtataas ng presyo ng langis na mangyayari bukas ng gabi.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na sa tulong ng Office of Transport Cooperatives sa ilalim ng DOTC at ng Philippine International Trading Corp. sa ilalim ng DTI ay napagtibay ang ugnayan sa pagitan ng mga kooperatiba at manufacturer ng gulong, baterya, at iba pang spare parts.

Maaari namang makakuha ng tax exemption ang mga coop, maliban pa sa dealers’ discount.

Aniya, direktang mapapamura ang gastusin para sa maintenance ng mga sasakyan ng mga operator at tsuper ng jeep, bus, Asian Utility Vehicle (AUV) at taxi.

Maghaharap naman bukas, Pebrero 21 ang mga kooperatiba at manufacturer upang magsimula ng pag-order ng mga kagamitan.

“Nagmamahal ang presyo ng langis dahil lumalakas din ang pag-angkat ng mga bansa sa Europa, kung saan mayroong di inaasahang taglamig sa mga panahong ito. Hindi rin nakatulong ang tensyon sa pagitan ng Iran at ilang Kanluraning bansa,” anito.

Huhugutin ang pang-reload sa Pantawid Pasada cards sa P200 million na pondo na nasa tanggapan na ng DoE.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply