P15.1-M kontrata ni ‘Granada’ David

ISANG panibagong kontrata ang naghihintay na lagdaan sa pagitan nina Gary David at Powerade management para sa papasok na PBA Commissioners Cup na magbubukas sa Pebrero 10 sa Smart Araneta Coliseum.

Si Gary David na binansagang “Granada” noong nakaraang season ay pumutok ng 30+ points sa All Filipino Cup at tinanghal na Most Valuable Player ay inaasahang ang P15.1 milyong sahod sa loob ng tatlong taon sa nakatakdang maximum PBA salary cap na katumbas ng P430,000 kada buwan.

Nasisiyahan naman ang 34-year old na pointmaker sa alok ng management ng Powerade Tigers dahil katumbas ito ng seguridad sa kanyang basketball career. Ang dating player ng Lyceum Pirates ay kabilang sa kuwadra ni sportsman/sports entrepreneur Danny Espiritu na nagtuloy-tuloy ang biyaya sa paglalaro ng basketball sa pamamagitan ng kanyang matiyaga at mahusay na ipinakikita sa paglalaro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply