P17M time deposit ni Corona agad isinara – Garcia

NATUKLASAN sa Senado na kaagad isinara ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang P17 milyon time deposit account sa Philippine Savings Bank (PSB) noong Disyembre 12, 2011 lamang nang aprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment case.

Sa kanyang pagtestigo sa impeachment court nitong Huwebes, sinabi ni Pascual Garcia III na base sa records ng bangko, isinara ang Time Deposit No. 089121023848 noong Disyembre 12, 2011 nang aprubahan ang impeachment case laban kay Corona.

Binuksan ang naturang account noong June 29, 2011 na may inisyal na P17 milyon opening deposit, ayon pa kay Garcia.

“There is another account under the name of Renato Coronado Corona under  Account No. 089121023848,  peso time deposit with an opening date of June 29, 2011 and an opening balance of P17M, and was closed and terminated on  December 12, 201,” ayon kay Garcia.

Sa puntong ito, kaagad tumayo si Iloilo Rep. Niel Tupas na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment complaint laban kay Corona noong Disyembre 12, 211 kaya hindi nakapagtataka na isinara ang naturang account nang malaman ang kaso.

Ipinagtataka ni Sen. Sergio Osmeña III kung bakit kaagad isinara ni Corona ang naturang time deposit kahit hindi pa lumalampas ang anim na buwan na pangkaraniwang takdang panahon sa mga ganitong uri ng pamumuhunan sa pananalapi sa alinmang bangko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply