P1M halaga ng alahas nadale ng dugo-dugo

TUMATAGINTING na P1 milyon halaga ng alahas ang natangay sa isang 23-anyos na dalaga bago nito madiskubre na nabiktima siya ng dugo-dugo gang sa SM Mall sa Maynila.

Personal na dumulog ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) para magreklamo ang biktimang si Margaret Gan, residente ng Bel-Air Makati City na natangayan ng may P1 milyon halaga ng mga alahas.

Sa pahayag ng biktima, isang babae na kaboses ng kanyang ina ang tumawag sa kany at sinabing naka-aksidente ito at kinakailangan ng pera para pampagamot sa lalaking kanyang nasagasaan na nasa kritikal na kondisyon.

Pinakuha ng caller ang alahas na nakatago sa kuwarto at sumakay na ng taxi papunta sa SM City Manila gaya nang napag-usapang tagpuan.

Sinabi pa aniya ng caller na huwag makipag-usap sa driver ng taxi dahil maaring magsumbong ito sa pulis at lalo siyang malagay sa malaking gulo na sinunod naman ni Gan.

Pagdating sa mall, isang babae na nasa edad 30, may taas na 5’ ang lumapit sa kanya at sinabing inutsan siya ng nanay ng biktima para kunin ang alahas at sinabing hintayin nito ang kanyang nanay sa mall.

Ibinigay naman ni Gan ang mga alahas at naghintay pero hindi naman dumating ang kanyang ina.

May ilang oras na ang nakakalipas ng  maisip ni Gan a siya ay nabiktima ng dugo-dugo gang.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya. Jocelyn Taangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply