P2.5-M medical equipment ayuda ng PCSO sa PGH

TINATAYANG P2.5 milyong halaga ng medical equipment ang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes  Office (PCSO)  sa Philippine General Hospital (PGH) bilang pagtalima sa itinatadhanang pagbibigay serbisyo sa komunidad, lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

Kabilang sa mga ibinahagi ng PCSO ang portable laryngoscope na nagkakahalaga ng P1.738 milyon at P850,000 portable brain monitor na kinakailangan ng Anesthesiology department ng naturang pampublikong pagamutan.

Personal na iniabot ni PCSO Chairperson Margarita Juico kay PGH Director Dr. Jose Gonzales ang naturang makabagong kagamitan makaraan ang paglagda sa isang kasunudan sa pagitan ng dalawang ahensiya.

Naging saksi sa simpleng seremonya sina PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, director Atty. Francisco Joaquin, Dr. Bernardo Gochoco, special project department manager at PGH chair of  the anesthesiology department  Dr. Loreto Felizar.

Sinabi ni Dr. Gonzales na malaking tulong ang naturang mga kagamitan upang lalo pang maging mahusay ang pagkakaloob nila ng serbisyo sa halos 3,000 mga pasyente araw-araw kung saan 90 porsiyento sa mga ito ay kabilang sa maralita.

Sinabi naman ni Juico na ikinokonsidera na ng lupon ng directors ng PCSO na maglagay ng satellite office sa PGCH upang maging madali para sa mga dukhang pasyente na makahingi ng tulong sa kanilang tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply