P2.5M equipment, ayuda ng PCSO sa PGH

MAGKAKAROON ng pagbabago sa serbisyo ng  Philippine General Hospital sa publiko dahil sa ibinigay na P2.5 milyong pisong halaga ng medical equipment ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ginawa ito ng PCSO bilang tugon sa itinadhanang tulong pinansiyal ng naturang korporasyon sa publiko.

Kabilang sa mga ibinahagi ng PCSO ang portable laryngoscope na nagkakahalaga ng P1.738 milyon at P850,000 portable brain monitor na kinakailangan ng Anesthesiology Department ng naturang pampublikong pagamutan.

Personal na iniabot ni PCSO Chairperson Margarita Juico kay PGH Director Dr. Jose Gonzales ang naturang makabagong kagamitan makaraan ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensiya.

Naging saksi sa simpleng seremonya sina PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, director Atty. Francisco Joaquin, Dr. Bernardo Gochoco, special project department manager at PGH chair of  the anesthesiology department  Dr. Loreto Felizar.

Sinabi ni Dr. Gonzales na malaking tulong ang naturang mga kagamitan upang lalu pang maging mahusay ang pagkakaloob nila ng serbisyo sa halos 3,000 mga pasyente araw-araw kung saan 90 porsiyento sa mga ito ay kabilang sa maralita.

Sinabi naman ni Juico na ikinokonsidera na ng lupon ng mga directors ng PCSO na maglagay ng satellite office sa PGH upang maging madali para sa mga dukhang pasyente na makahingi ng tulong sa kanilang tanggapan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply