P2.5M summer job sa CDO, kasado na

NAKAKASA na ang P2.5 milyon para sa gagawing summer job program sa Cagayan de Oro City.

Aabot sa 1, 000 na mga mahihirap na mga estudyante mula sa iba’t ibang barangay sa Cagayan de Oro ang makikinabang sa Special Program for the Employment of Students (SPES).

Ayon kay City Mayor Vicente Dongkoy Emano, aprubado na ang P2.5 milyon para sa gagawing summer job program. Nabatid na ang naturang programa ang taunang aktibidad ng siyudad sa tulong ng Department of Labor and Employment (Dole).

Layunin nito na makatulong sa mga mahihirap upang magtagumpay sa kanilang pag-aaral.

Samantala iniulat naman na bumaba na ang unemployment rate ngayonsa bansa. Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, bagama’t hindi kalakihan ang ibinaba ay unti–unti naman at tuluy-tuloy ang nangyayaring pagbaba nito.

Paliwanag ni Baldoz, kada taon  ay maraming guma-graduate kaya kailangan ng mas maraming proyekto pero sa ngayon ay massive infrastructure ang tinututukan ng ahensya.

Nilinaw pa ni Baldoz na patuloy pa rin ang ginagawa nilang pag-aaral para maramdaman ng labor sector ang mga proyekto nang gobyerno para sa mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply