P200-M grand lotto jackpot mailap pa rin

BIGO pa ring masungkit ng libo-libong mananaya ang jackpot prize na mahigit na sa P200 milyon ng 6/55 Grand Lotto sa kumbinasyong binola kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa ginanap na pagbola kagabi, wala isa man ang nakakuha sa kumbinasyong 20-37-35-27-50-42 na may kabuuang premyong P213,771,355.20.

Dahil dito, inaasahang dadagsang muli ang mga nag-aambisyong maging instant milyonaryo sa mga lotto outlet bukas sa pagbabakasakaling matsambahan ang jackpot prize na posibleng aabot na sa P230 milyon.

Sa kasalukuyan, ang naturang premyo ang itinuturing na pinakamalaking jackpot prize sa lotto kaya pinayuhan ng PCSO ang mga mananaya na maagang tumaya ngayong araw upang hindi makaranas ng mahabang pila sa mga lotto outlet.

Ang Grand Lotto draw ay idinaraos tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply