P20M nasabat na smuggled goods, itatapon ng BOC

MAY 20 container van ng kontrabando ang itatapon na lamang ng Bureau of Customs (BOC) dahil hindi na ito puwedeng pakinabangan pa.

Ang nasbing bilang ng kontrabando ay kabilang sa 23 container van na binuksan ng BOC sa loob ng Sasa warf sa Davao City kung saan ito ay nasabat pa noong nakaraang taon.

Ayon naman kay Atty. Martillano Bangoy, district collector ng BoC-Davao City, hindi na umano isasailalim sa public auction ang naysaying kontrabando kung ito ay agricultural products dahil  malalagay lamang sa panganib ang buhay ng publiko.

Una nang idineklarang shortening, yeast, margarine at savory products ang laman ng vans, ngunit nadiskubreng saku-sakong imported pala itong patatas at sibuyas Bombay mula sa bansang China at Hongkong na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Nabatid na naka-consignee ang nasabing kontrabando sa AyaDay Trading, Alvee Trading at D Golden House Trading Company.

Inihahanda na ang isasampang kaso laban sa may-ari ng mga kontrabando. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply