P25-M misdeclared shipment, nasabat ng BoC

NASABAT ng x-ray ng Bureau of Customs ang mga iligal na imported item na nakasiksik sa isang container van mula sa Japan.

Sa presentasyon sa media ngayong araw,  isang knocked down na Suzuki station wagon, jet ski, 3 Honda na motorsiklo, Yamaha scooter at 36,000 piraso ng gulong ng bisikleta na may kabuuang halaga na P25 milyon ang kinumpiska ng ahensya sa utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Ayon kay Biazon, idineklara ng importer na Cimberly Enterprises ang nabanggit na mga kargamento na dumating sa Manila International Container Port mula Japan na mga gamit na mini tractors, grass cutters, compressors, bicycles, motorbikes parts at gasoline engines, subalit ng madaanan ng x-ray machine ay nadiskubreng  iba pala ang laman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply