P31.8M misdeclared goods nasamsam ng BOC

TINATAYANG umaabot sa P31.8 milyon halaga ng misdeclared at undervalued candies, outboard motors, motor oils, kilowatt hour meters at mga gamit panggawa ng mga illegal drugs manufacturing laboratory ang nasabat ng mga operatiba ng Enforcement Group (EG) ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon ngayong araw, ang importer na Scan Marine Inc, ay nagtangkang ipuslit ang container van nito na naglalaman ng apat na (4) units ng outboard motors at dalawang (2) uri ng motor oils bilang outboard motor parts, subalit inisyuhan ng Alert Order sa rekomendasyon ng Operations and Intelligence Office of the Enforcement Group (OIO-EG) Head lawyer Imelda Cruz at Arnel Baylosis. Tinatayang may halagang  P6.8 million ang kontrabando.

Kasama din ang mga kargamento ng Scan Marine, Inc., Extreme Five Trading Corp. na sinubukan ding ipuslit ang 2,520 karton ng iba’t ibang klase ng mga kendi bilang mga food additive, subalit nasabat din ng OIO-EG operatives, sa MICP. Ang mga kargamento ay nagkakahalaga ng P1 milyon. Habang ang mga kargamento ng Telsphere Intl. Trading Corp. ay nag-akalang makakaiwas sa buwis sa pagdeklara ng  257 units ng kilowatt hour meters na nagkakahalaga ng P4.4 milyon bilang vacuum heaters.

Samantala, ang W.A. Bitancor Enterprises’ na may dalawang container van ng kagamitan mula China na nagkakahalaga ng P20 milyon  gaya ng chip condensers, pumps, control panel, thermometer, fittings, boilers, reactors at valves, kabilang sa mga gamit sa pagtatayo ng laboratoryo sa paggawa ng mga iligal na gamot ay hindi rin nakalampas sa mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply