P400-M counterfeit items nasamsam ng BoC

UMABOT sa P400-milyon counterfeit items na ipinuslit mula sa China ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila, ayon sa BOC kanina.

Ang naturang kontrabando ay nakalagay sa dalawang 40-footer container vans na naka-consign sa Imax Harbor International Trading Corp. at kinumpiska ito sanhi sa paglabag sa Intellectual Property Rights.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim, naglalaman ang dalawang van ng 12,000 pirasong counterfeit bags, pekeng cellular phone accessories, at medisina.

Nabatid na nakasaad sa dokumento ng shipment ay naglalaman ng plastic wares.

Ito ang pangalawang malaking huli ng nasabing opisyal mula nang umupo bilang hepe ng intelligence division ng ahensiya.

Dagdag pa ni Lim na gagawin nito ang lahat upang mabawasan o mapigilan ang pagkalat ng smuggled products sa merkado na malaking banta sa kalusugan ng mamamayan.

Ipinag-utos naman ni BOC Commissioner Ruffy Biazon sa ahensya na palakasin pa ang border patrol upang hindi makalusot ang anumang counterfeit products sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply