P40-M shabu nasabat sa Kenyan passenger

NASABAT kaninang hapon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P40 milyon halaga ng shabu na dala ng isang Kenyan national ilang minuto makaraang dumating sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1.

Ang pitong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40-milyon ay dala ni Noah Acheng Lina, lulan ng emirates airlines flight EK-332 dumating kaninang alas 4:08 ng hapon.

Ayon sa PDEA, isang impormasyon ang dumating sa kanilang tanggapan na isang dayuhan ang darating sa bansa na may bitbit na droga.

Agad na nakipag-coordinate ang PDEA, BOC at sa Bureau of Immigration upang ipaalerto ang pangalan ng pasahero.

Nang dumating ang naturang flight, nakuha agad ng mga immigration officer ang pangalan at katauhan ng suspek na matapos ma-clear sa immigration ay saka nagtungo sa conveyor area para kunin ang isang kulay itim na bagahe, at isang bag pack na itim din.

Ayon kay ESS district III commander Col. Marlon Alameda, idinaan ng pasahero ang kanyang mga dalang bagahe kay Customs Examiner Marius Landicho upang magpa-clear naman sa customs area.

Laking gulat na lamang ng awtoridad ang bumungad sa kanilang harapan na naglalaman ng 7 kilong compressed aluminum padded na shabu ang nakalagay sa ilalim ng isang false bottom na kanyang trolley bag at sa bitbit na bag pack nito.

Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad kung mayroong iba pang kasamahang dumating ang suspek na nakatakda sanang tumuloy sa Santillan Inn sa Makati City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply