P500-M inilabas sa pagsasaayos ng 3 pantalan sa bansa

INAPRUBAHAN na ng gobyerno ang P500 milyon pondo para sa pagsasaayos ng tatlong pantalan sa bansa.

Ito ang inanunsiyo ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas kung saan aprubado na aniya ng pangulo ang nasabing halaga para sa upgrading ng tatlong pantalan sa Pilipinas.

Aniya ang nasabing pondo ay ilalaan para sa pagpapaganda sa tatlong pantalan sa mga lugar ng Ormoc, Leyte; Tabaco, Albay at Iloilo ports.

Layunin ng proyekto na maisaayos ang port operations sa galaw ng mga kalakal at pasahero at maging productive, efficient, ligtas at maging komportable.

“Kung mabilis ang pagdiskarga, makaaalis din agad ang barko at makapapasok ang iba,” ani Sec Roxas.

Samantala, sinabi rin ni Roxas na ang problema naman sa Terminal 3 sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA-T3) ay hindi rin magtatagal at kanilang mareresolba.

Ani Sec. Roxas, tutulak siya patungong Japan para makipagpulong sa top officials ng Takenaka Corp., ang  original contractor ng  NAIA-T3 facility para maiayos ang problema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply