P6-M pirated DVDs nasamsam sa Baclaran

AABOT sa halagang P6 milyon ng mga piniratang CD at DVD ang sinamsam ng mga tauhan ng Optical Media Board sa pagsalakay na isinagawa sa mga stalls sa Baclaran Market at iba pang katabing establisimyento kanina.

May 18,000 piraso ng mga DVD ang nakumpiska ng OMB sa mga stall na sinalakay.

Tumanggi ang mga may-ari at nagtangkang manlaban pa sa mga raiding team.

Kasama ng OMB sa ginawang pagsalakay ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics [SWAT] ng Philippine National Police .

Sinabi ni OMB head Ronnie Ricketts, na inaasahan na nila ang matinding pagtutol sa hanay ng mga negosyante.

Nagpakita ng paglaban ang mga may-ari ng stall sa isinagawang paglusob ng OMB at ikinatuwirang ito ang kanilang ikinabubuhay, ang mamirata ng mga pelikula sa mga CD at DVD.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply