P6M ayuda sa Sendong victims sa Iligan at CDO

UMABOT sa anim na milyong piso ang naipadala ng pinagsanib na pwersa ng Caritas Manila at Radio Veritas846 sa Cagayan de Oro at Iligan city para sa mga pamilyang pinakamalubhang naapektuhan ng pagsalanta ng bagyong Sendong.

Ang cash donations na ipinadala ay idinaan sa Archdiocese ng Cagayan de Oro at sa Diocese ng Iligan na mangangasiwa ng distribusyon. Ang cash donations ay ginamit sa relief operations at gagamitin din sa rehabilitation programs ng mga pamilya at mga komunidad na sinira ni Sendong.

Ang perang donasyon ay ipinadala ng ilang batch. Ang unang dalawang milyong piso ay ipinadala agad nanm matanggap ng Caritas Manila ang hiling para sa tulong mula sa Archdiocese ng Cagayan de Oro at sa Diocese ng Iligan.

Bukod sa P6 milyon may tatlong truck din ng donations-in-kind ang naipadala na ng Caritas at Veritas sa Iligan sa tulong ng Philippine Navy.

Ang pagtulong ay isinagawa sa ilalim ng Caritas Damay, ang Disaster Risk Reduction and Management Program ng Caritas Manila.

Sa nakaraang paglindol naman sa Negros, nagpadala ng paunang halaga ang Caritas Damay para sa programang pang-rehabilitasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply