P7.9-B IT systems project para sa LTO aprub na sa NEDA

INANUNSYO ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na inaprubahan na ng  National Economic Development Authority ICC Technical Board ang P7.9B ‘Road Transport IT Project’ para sa pagsasama-sama ng IT systems sa lahat ng tanggapan ng Land Transportation Office at operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ani Roxas, naunang inaprubahan ng  NEDA ICC Technical Board ang proyekto noong 31 January 2012, bago ang NEDA Cabinet Committee noong February 2012 ma inendorso naman ng NEDA Board para sa pinal na pag-apruba.

“The LTO/LTFRB centralized IT project is now in the final step of getting NEDA’s approval which will allow us to pursue our efforts in integrating our operations to provide the public safe, convenient and reliable transport system,” ayon pa kay  Roxas.

Gagastos aniya ang gobyerno rito ng P3 billion na popondohan naman ng lokal para sa loob ng isang taong pagpapatupad, habang ang P4.9B ay para sa operasypon at maintenance ng proyekto pero pipili muna ng IT provider sa labas na silang mangangasiwa ng hanggang limang taon.

Magiging kaiba na aniya ang sistema  sa ngayon kumpara noon sa kasunduan sa pagitan ng Stradcom, dahil ang bagong IT infrastructure ay pag-aari na ng gobyerno kung saan lahat ng computer fees ay sisingilin sa publiko at kokolektahin ng gobyerno.

Iaanunsiyo ng gobyerno ang gagawing bidding sa proyekto sa huling buwan ng Pebrero o bago mag-Marso at ia-award ang proyekto sa mananalong bidder sa April 2012.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply