P9.8B inilaan sa scholarship ng mahihirap

MAKIKINABANG ang mahigit sa isang milyong mahihirap pero mahuhusay na estudyante sa bansa sa inilaang P9.8 bilyong pondo ng gobyerno para sa scholarship program ngayong taong 2012.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, ang nasabing pondo ay gagamitin para sa mga estudyante na may pambihirang kakayahan at talino upang sila ay maging mas higit na kapaki-pakinabang na mamamayan.

Nabatid na mula sa nasabing pondo ay P6.28 bilyon dito ang gagamitin ng Department of Education (DepEd) para sa kanilang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) program.

Habang ang natitirang P2.1 billion naman ay ilalaan sa DOST para sa mga iskolar na kumukuha ng science education. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply