Pa-BINGO sa Maynila ipagbabawal na

SINABI ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi na papayagan ang paglalagay ng mga bagong larong BINGO sa ilang lugar sa lungsod kahit pumasa pa ito sa City Council.

Sa kanyang pakikipagpulong sa hepe ng  Manila Police District (MPD) director Chief Supt.  Alex Gutierrez at station commanders, inutos ni Lim na imonitor at ipatigil na ang mga bagong lagay na BINGO sa ilang mga lugar sa lungsod.

Paliwanag ni  Lim,  isang uri pa rin ito ng sugal tulad ng jueteng na dapat maalis at matigil sa lungsod.

Maliban sa mga nailagay na bingo noon, sinabi ni Lim na wala nang papayagang mga bagong bingo ngayon.

Hindi rin maaaring mag-operate ang mga ito lalo pa’t hindi pinayagan ng Bureau of Permits.

Maging ang mga nagbibingo sa bangketa ay pinagbabawal din.

Hindi rin ligtas ang mga pa-BINGO sa mga piyesta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply