Pabrika ng bala ng baril nasunog sa Marikina

NASUNOG ang isang pabrika ng armas sa Barangay Fortune, Marikina ngayong hapon, Pebrero 26.

Nabatid na bandang la-1:47 ng hapon nang magsimula ang sunog na naapula lamang bandang alas-2:27 ng hapon.

Nagmula sa storage room ng Arms Corporation of the Philippines (Armscor) na naglalaman ng mga pulbura sa paggawa ng bala ng baril.

Umabot lamang sa ikawalang alarma ang sunog at inaalam pa ang halaga ng pinsala nito.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply