Ban vs casino magnate oks lang kay PNoy

WALANG magiging negatibong epekto sa foreign investors ang hakbang ng mga mambabatas na i-ban si casino magnate Steve Wynn na magnegosyo sa bansa.

Sa ginanap na 4th National Congress on the Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa UST Quadricentennial Pavilion, España, Maynila kanina ay sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na okey lang sa kanya ang naging hakbang ng Kongreso dahil isa lamang si Mr. Wynn sa maraming investors na gustong maglagak ng negosyo sa bansa.

Wala namang ibinigay na deadline si PNoy kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. para tapusin ang imbestigasyon kaugnay sa pagtanggap umano ng suhol ni Pagcor Chairman Cristino, Jr. Naguiat mula kay Wynn.

Magugunitang si Wynn ang nag-akusa kay Pagcor Chairman Naguiat ng pagtanggap ng suhol mula sa Japanese gambling operator na si Kazuo Okada.

Ayon sa Pangulo, kung isa-isahin nito ang mga negosyanteng balak magnegosyo sa bansa, aabutin  ng tatlong pahina ang paglilistahan.

Una nang inaprubahan ng House committee on games and amusement ang isang resolusyong nagba-ban kay Wynn matapos magreklamo si Naguiat na biktima siya sa away nina Wynn at Okada na dating shareholder ng Wynn Resorts Ltd.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply